Sunday, August 24, 2008

Disaster

Ganito kasi yun.....merong isang DS cartridge dito na hindi ko alam na sira. Ginamit ni D sa DS nya, pero nag-r-report daw ng error yung DS -- sabi daw, "not found." Nung titingnan ko na, ayaw naman sumindi. Akala ko, dead battery lang, ipina-charge ko. Hindi din sumindi yung charging LED!

Pa-saklolo ke Papa. E di sige, kalikot dito, kalikot dun. Naghanap pa ng ibang baterya ng DS at ibang charger ng DS. Ayaw pa din. Patay. Bad news, wala na daw talaga, hopeless case na. Good news, ikinuha ko yun ng Product Replacement Plan.

So, tawag ako. Ok na daw. Papadala sila ng prepaid mailing label, ipadala ko sa kanila yung DS (in the complete original package), and after 2 weeks, papadalhan nila ako ng gift card for the original purchase price (plus tax!). Sale ko nabili yun, pero ok na din.....at least konti na lang idadagdag ko para ibili ng kapalit. Ok na din maghintay ng 2 weeks. Pasukan na, e.

Ang kaso, kinabukasan, pati yung isang DS, hindi na din umaandar. Nanghiram si D ng DS, ginamit nya yung salaring DS cart. Pero di pa namin alam na sira pala yun. Akala ko discharged lang yung battery. Sisindi sandali, tapos namamatay na. To the rescue ulit si Papa. Ganun ulit, same-same. And by the process of elimination -- sira nga yung DS cart, at malamang, gina-ground nya yung circuit ng DS. Kamalas naman.

Pero August pa lang pala. September last year yun binili. Haha! Baka me pag-asa pa. 1 year dapat ang manufacturer warranty. Sige, halukay. Buti nandyan pa yung resibo. Sakto, meron pang 2 weeks. Tawag naman syempre akong Nintendo. Una, nag-s-suggest pa sila ng troubleshooting. Pero nung sinabi kong nag-rigodon ang mga charger at mga baterya dito, mukhang wala na din daw siyang magagawa. Kinuha credit card number ko, i-ship na nila yung palit, isoli ko sa kanila yung luma. Pag hindi ko binalik yung sira, i-charge nila sa card ko. Ok na din. At least sa Monday, nandyan na.

Tuesday, August 5, 2008