Mish-mash
I know it's been a while. Busy, eh. Anyway....
**********
Pikon ako. Last night, we were on Skype. May kausap yung mga bata, but I don't want to say who. Aba naman, ayaw naman nila magsalita, nanonood lang at gusto mag-monologue mga anak ko. So, ang mga bata, being kids, naghaharutan na lang. May narinig akong comment: "Bakit mo ginaganyan si D? Siguro kasi mas pree-cher ang nose nya. Inggit ka lang." Bwiset. If there is anything I will never, never do to anybody, most of all to my kids, is to say one is better than the other. Mabuti na lang balanced si A. Snub sila.
**********
Ito namang isa, pinipilit mag-bilang si A. E naglalaro nga yung bata. Nung nagbibilang na, biglang babara, "Ay, si NAJ, nagbibilang, backwards pa at ang bilis." Tapos pinipilit nila anak ko magbilang daw backwards na mabilis. Namaaaaaaaan! Nang-iistorbo na nga sila, e. Nakakapikon lang parang nakikipag-contest. Kesyo daw si NAJ, 2 1/2 lang, ang galing daw magbilang backwards at ang bilis daw magbasa ng alphabet. Please lang. Ayoko ng ganyan. Wala akong pakialam sa talent ng anak ng iba. Lalo kung gagamitin lang pangyabang.
After a couple of hours, tinatanong na ako ng magaling kong asawa. Bakit nga daw ba si A, ayaw mag-cooperate sa ganyan. Sabi ko, e sa hindi yun ang personality nya, e. I tried forcing her before, lalo lang siyang umaayaw. Eventually, I backed away, siya na lang natuto mag-isa. Tsaka ano ba kako? Are they implying bobo anak ko? Hindi lang kako ako mayabang, but the school is actually telling me how easy it is to teach her and that she's a fast learner. And I realize, A is not D. They have different personalities. I acknowledge that D learned stuff early. At A's age, D was reading by herself. Heck, at NA's age, D was doing addition! But kids have their own pace at learning things. And I am not worried. If only they will converse with A, they'll know she's smart. And I am not saying that just because I am the mother.
Disappointed lang ako at naturingang teacher yun, and yet she doesn't realize that children have different personalities and learning styles.
**********
Anyway, kabata-bata pa nitong batang to, marunong nang mang-bribe. May ipinapakuha akong gamit nya nung isang araw, hindi nya makita. Sabi sa akin, "where is it?" Sabi ko, "hanapin mo!" Hindi ko napansin, binalikan pala ako. Sabi sa akin, "Can you please help me look for it?" E hindi ko pinapansin. Nagulat na lang ako, bumalik may dalang play money galing sa Operation nila. Sabi sa akin, "I will give you money if you help me look for it." Nyehehe.
In fairness, nung sinabi ko sa kanya nahiya naman siya. I don't think she knows she has been bribing already.
**********
Ang funny ni D. Naglalaba ako nung isang araw, nagulat ako, nagkakalabugan sila. Sabi ko, "ano na naman pinagtatalunan nyo?" Ang sagot: "We're not jumping!"
**********
Ok. Kwentong corrupt na naman.
I recently had my teeth done. Na-root canal. What is really annoying is that I know I need to have another tooth done. Ang lalo pang nakakabwisit, both teeth has fillings that were replaced just recently. Dun sa isa pa naming dentist. Ang problema, I have a hunch she purposely did the fillings wrong para ma-root canal na nga. Hubby had a third molar, sabi nya, maliit lang naman daw kung kailangan i-fill. But her post-op recommendation included monitoring the tooth for pain at i-r-root canal na nga daw. Ang surprising pa, after a week, tine-text ako, hindi pa daw ba sumasakit? Hmmm.
And then my teeth. When she was doing my fillings, she did something that, in school, we were instructed NEVER to do. Nagulat ako, but I said nothing. And take note, alam nya background ko, so that really surprised me. Since she did my filling, my tooth was always sensitive. As in hindi na ako nakakainom ng malamig without a straw dahil nangingilo talaga. On my birthday, nag-iba yung pain. Hindi na siya mangilo, but there was a dull pain on my cheek. Patay na. I told the new dentist, and she asked me what I thought. Sabi ko, wala na. Root canal na to. E di root canal na nga. Nakakainis lang talaga. Kamag-anak pa mandin.


