Anim na balut
Teka lang.....kailangan ko lang i-share ang kwento ng balut.
As told by the hubby; sayang lang talaga, hindi muna ako nag-picture:
Nagpunta sa Claritas at nagtanghalian
Pagkatapos kumain, biglang naisipan
Bibili ng Balut, anim ang bilang
Para may makain pag bitin ang hapunan.
Niluto ang tatlo nung gabi ding iyon
Nakikain si M, si D at si A
Sabaw at yung dilaw lang ang kanilang kinakain
At yung sisiw ay iniiwan sa akin.
Yung tatlong natira, di naman nakalimutan
Makalipas ilang araw, isinalang din sa lutuan
Nung kumulo, apoy ay hininaan
Bente minutos na lang at akin nang matitikman.
Lumabas maghapunan at sa Gerry's Grill kumain
Nag-order ng Sisig at Pusit at kanin
Biglang naalala Balut na nakasalang
Napatay ko ba yung stove o guniguni ko lang.
Nagmadaling umuwi, isang oras din ang byahe
Pagdating ng bahay, naiwan ko ngang nakasindi
Natuyot na ang tubig na pinagpapakuluan
Ang balut ay nasunog, sumabog at nagtalsikan.
Mabuti na lang at hindi nagkasunog
Pero buong gabi ay naubos sa pag-kuskos
Ng sumabog na tatlong balut sa buong kusina
Akala ko pa naman may pang-midnight snack na.
Ambait ni misis, tumulong maglinis
Mas marami syang ginawa at buti di nainis
Yung posibleng nangyari ay talagang nakakatakot
Pero bibili pa rin ako, at malamang, Anim ulit na Balut.


3 comments:
hanep ang style ha! i like it.
nangyari na rin sa akin yan, pero kami naman nasa bahay kami. naglaga ako ng itlog, and i completely forgot. nagulat na lang ako may sumabog sa kusina. so i can imagine how things looked like in your kitchen. kaya masasabi kong ang swerte swerte nyo, at oo nga, ambait bait mo :D
Nyehehe. Disaster din ba? Sabi ko nga, baka nakatakas yung sisiw. Grabe.
mwahaha! :-) The way your hubby wrote it is hilarious.
Post a Comment