Wednesday, October 8, 2008

Makulit

Sa tingin ko wala na talagang solusyon ang kakulitan ng batang 'to. Yan, e sa palagay ko lang naman. Pero sige, baka naman sabihin nyo nagpaparatang ako na walang pinanggalingan, sasampolan ko kayo:

Sabi ko, kukunan ko siya ng picture. Ewan naman, ang ganda-ganda nung ngiti pagkita ko sa litrato na na-capture ganito itsura


Tapos tatawa-tawa siya nung nagulat akong ganun itsura nya. In fairness, masunurin naman. Sabi ko ngingiti at wag siyang gagalaw para makuhanan ko ng maayos na picture. Eto kinalabasan

Pero kumusta naman? Tapos na mag-picture, hindi pa din gumagalaw.

Mabuti na lang talaga, cute yan. Nagalit lang sa akin nung sinabi nya gusto daw nyang maging fairy, sabi ko, anong klaseng fairy? Princess fairy daw. Sabi ko, wag na princess fairy. Mas maganda "super fairy", fairy na super pa. Nung pumayag na, pinakitaan ko ng picture ng superferry. Yun nga. Yung ine-endorse ni Tita Shawie. Ayun, galit na galit sa akin, fairy daw siya hindi boat. Pero ngayon, natutuwa na din, SuperFairy na daw siya. Hindi ko lang sigurado kung fairy o ferry. O baka, pwedeng parang si Tinkerbell, pero mataba?

No comments: