Ticket
Hindi pa naman, pero natakot akong ma-tiket-an. E pano naman kasi, tatlong bwan ko nang nakakalimutang idikit yung sticker ng rehistro ng sasakyan. Hindi ko pa sana maalala kung hindi ko nakita yung sobre ng renewal ng rehistro sa bahay nila J/L. Maryosep.
Nung sinabi ko na ididikit ko lang yung sticker sa sasakyan, nagulat sila. Sabi ko, nakalimutan ko, e. Sabi nila, maswerte daw ako. Sila daw, isang araw pa lang nilang hindi naididikit, nasita na sila ng pulis at na-tiket-an. E, oo naman. Ang swerte talaga. Mantakin mo ba naman na nasa akin na yung sticker, August pa lang. Simula August, naka-limang byahe na kaming LA-SJ. At bukod pa dun, ilang beses na din kaming paikot-ikot sa kung saan-saan. Puro overspeeding pa. At ilang beses na din na may nakabuntot sa aking pulis habang nasa kalye. Kung bakit hindi pa ako nasita, e hindi ko alam. Pero syempre, ayaw ko nang alamin. Mahal din ang tiket, ano?
Pero me excuse naman ako. Ang balak ko sana kasi, ipapalinis ko muna yung sasakyan, saka ididikit ang sticker. Malas lang na palagi kami nagmamadali pagka-palinis ng sasakyan kaya palaging nakakalimutan. Pero nandun lang naman yung sticker sa glove compartment. Pwede ko naman sana idikit anytime.
So, kahapon, naidikit ko na din -- sa wakas.
Mabuti na lang din walang irony of the moment. Baka naiyak ako kung saka ako i-flag ng pulis pagkatapos naidikit yun.


No comments:
Post a Comment