Tuesday, March 4, 2008

Pretend

Last Sunday, nanood kami ng Disney on Ice. Nung naghihintay kami sa loob, yung isang bata na katabi ni A, tuwang-tuwa at sabi sa nanay nya, "Look! There's a waterfall!" na meron nga naman on stage. Nung narinig ni A, binulong nya sa akin: "Hindi yan totoong waterfall. May ice lang yan tapos may water na na-si-spill para mukhang waterfall. Pretend lang yun." Hala. Talagang in-analyze daw ba?

Ang matindi pa, nung lumabas na si
Mickey Mouse, sabi nya, "Tao lang yun, naka-costume." At, in fairness, alam nya alin ang effects lang. Meron kasing isang part, me apoy-apoy pa. Sabi nya, "Yun fire, real yun."

Pero eto ang
clincher. Meron daw talagang Santa Claus atsaka Tooth Fairy. Mabuti naman. Bata pa din naman pala siya. Akala ko nanganak ako ng 25 years old na preschooler, e.

1 comment:

Anonymous said...

hihihi!

A is very smart... mana sa mommy. :)